Mahika Song Lyrics - Janine Berdin And Adie
Lyrics
Nagbabadya ang hangin na nakapalibot sa 'kin
Tila mayro'ng pahiwatig, ako'y nananabik
'Di naman napilitan, kusa na lang naramdaman
Ang 'di inaasahang pag-ugnay ng kalawakan
Ibon sa paligid, umaawit-awit
Natutulala sa nakakaakit-akit mong tinatangi
Napapangiti mo ang aking puso
Giliw, 'di mapigil ang bugso ng damdamin ko
Mukhang mapapaamin mo, amin mo, oh
Giliw, nagpapahiwatig na sa 'yo
Ang damdamin kong napagtanto na gusto kita
Hindi ko alam kung saan ko sisimulan
Binibigyang-kulay ang larawan na para bang
Ikaw ang nag-iisang bituin, nagsisilbing buwan na kapiling mo
Sa likod ng mga ulap, ang "tayo" lamang ang tanging magaganap
Ibon sa paligid, umaawit-awit
Natutulala sa nakakaakit-akit mong tinatangi
Napapangiti mo ang aking puso
Giliw, 'di mapigil ang bugso ng damdamin ko
Mukhang mapapaamin mo, amin mo
Giliw, nagpapahiwatig na sa 'yo
Ang damdamin kong napagtanto na gusto kita
Gusto kita, gusto kita
Gusto kita, gusto kita
Ano'ng salamangkang mayro'n ka? (Gusto kita, gusto kita)
Binabalot ka ng mahika (gusto kita, gusto kita)
Ano'ng salamangkang mayro'n ka? (Gusto kita, gusto kita)
Ako'y nabihag mo na
Ako na nga'y nabihag mo na
Hindi naman talaga sinasadya
'Pagkat itinadhana yata tayo para sa isa't isa
Giliw, nagpapahiwatig na sa 'yo
Ang da-da-da-damdamin ko
Da-da-ra-da, da-damdamin ko
Giliw, giliw
Giliw, napagtanto na gusto kita
.................................................
Watch On Youtube
0 Comments